Sunday, December 30, 2012

Higit pa sa isang Proyekto, kungdi isang PAMILYA



* the draft of the speech i gave in the Big Kuya Project Graduation.

Naalala ko pa ang munting simulain nating dito sa Kabulusan, tutorials nang Math at English noong una ang mga klase ng Kabulusan Boys Club sa ilalim ng puno ng mangga. Nagsimula sa piling grupo ng batang kalalakihan. Iba pa ang mga kuya noon, silla Gelo, Jorenz, Bryan. Dumating sila Chino, Romel, Lester ang Rotaract at ngayon The Big Kuya Project.



Ang dati'y grupo lamang para sa mga batang lalaki ngayoy para sa lahat na. Sino nga ba ang mkakalimot sa saya na makita nating lumalago ang ating munting grupo. Ang bawat sabado natin ay napupuno ng tawanan kasiyahan at pagkatuto.

Tatlong henerasyon ng kuya na ang mga naging parte ng kabulusan. at parte ng buhay nyo

Taltong henerasyon na ang aking nakitang nagturo, nakipaglaro, lumago d2 sa lugar na ito. Iisa ang dahilan.... ikaw

Ang inyong mga ngiti. ang pagbati at kakaibang paggalang ang nagging motibasyon namin.

"hindi lang namin kyo naging extra curricular o isang proyekto kundi naging extended family namin kayo-- pamilya sa labas ng aming pamilya"

Higit pa sa Math, Science at English… ang tanging layunin at pangarap namin ay ang maipaabot at pagtibayin ang kabutihang asal. Tulad nga nang sabi ng isa ko kaibigan na minsan naging parte ng kabulusan boys club. "kapag umuwi sila at ng sabi ng “po” at “opo” dahil yun ang lesson nung hapon na yun, malaking bagay na. Kung sa pag-uwi nila nagpakita sila ng pagbabago kahit kaunti lang, nagawa na natin ang layunin natin."

Ngayon masasabi ko ng buong yabang, Oo nakamit na namin.

Ang tanging kahilingan ko lang ay ang pag-asa na gamitin niyo sa mabuti lahat ng aming naituro. Na mag karoon kayo ng lakas ng loob humarap sa kahit anong problema bitbit ang pagpapahalaga, kabutihang asal at malinis na hangarin. Isang paghamon rin ang aking iiwan sa lahat ng batang kabulusan, huwag gamiting dahilan ang kakulangan at kahinaan bagkus gamit itong motibasyon at laging sabihin na kaya ko yan!

Lagi nyo sanang itanim sa inyong mga puso ang aming pagmamahal, na minsang nagkaroon kayo ng kuya o ate na tiga rotaract at naging bahagi sya ng buhay ninyo. Dahil kayo ay naging bahagi ng amin.

Hindi alm kung kelan tyo muling mgmagkikita, baka bukas sa susunod na sabado, buwan, taon pero ito lang ang masasabi ko. ngayon pa lng miss n miss na nmin kyo



Paolo Naive
22 March 2009

No comments:

Post a Comment